Posts

Image
                                                   Table Tennis Sports Panimula Ang table tennis ay karaniwang nilalaro sa loob ng gym sapagkat ang kaunting ihip ng hangin ay maaaring makapagpabago sa lipad ng bolang ginagamit sa paglalaro nito. Ito ay maaaring laruin nang isahan (singles) kung saan dalawang manlalaro ang maglalaban. Maaari rin itong laruin nang dalawahan (doubles) kung saan dalawang pareha ang maglalaban. Ang layunin ng laro ay ang matamaan ang bola sa pamamagitan ng raketa at mapatawid ito sa lambat patungo sa panig ng kalaban. Bawat manlalaro ay binibigyan ng limang sunod-sunod na pagkakataon upang makapagpanimula. Kailangang makalikom ng dalawampu’t isang puntos o higit pa ang nag-iisa o magkaparehang manlalaro upang manalo sa isang laban o set. Kailangan ding manalo nang dalawa sa tatlo o tatlo sa limang laban upang manalo sa laro o match. Ang puntos ay nakakamit tuwing hindi matamaan ng kalaban ang bola o tuwing may paglabag. Kasaysayan Ang table tennis ay is